Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 47



Kabanata 47

Naging isa sa mga maharlika si Meredith mula sa apat na pinakamayayamang pamilya sa Glendale.

Kung may manggugulo sa kanya, baka hindi na sila manatili sa lugar na ito.

Ayaw niyang mapahamak si Ava nang dahil sa kanya.

Pagkatapos niyang magmuni-muni tungkol sa kanyang masakit na karanasan, nagpasya si Madeline

na magsimulang muli.

Magagawa niya lang na ipaghiganti ang kanyang sarili at ang kanyang patay na ang kung tatayo siya

mula sa pagkalugmok.

Dalawang araw ang nagdaan, nagpunta si Madeline sa kanyang bagong kumpanya para magtrabaho.

Hindi pa gumagaling ang iba sa mga sugat sa mukha ni Madeline kaya gumamit siya ng concealer

para itago ang mga pasa.

Pagkadating niya sa opisina, bago pa siya makaupo ay pinatawag na siya ni Eve Garcia-- ang kanyang

superior.

Mukhang isang malakas at makapangyarihang businesswoman si Eve. Nakasuot siya ng mga pinaka-

usong damit at maganda rin siya. Subalit, laging seryoso ang kanyang ekspresyon kaya mukhang

napakaseryoso niya. Dahil dito ay kinakabahan nang todo si Madeline. Nag-aalala siya na baka

magkamali siya at pumalpak sa kanyang probation.

Subalit, mabait si Eve sa kanya. Sinabi niya kay Madeline na ayos lang na matagalan siya at hindi niya

kailangang mag-alala sa mga bagay na iyon.

Iniisip ni Madeline ay malamig ang kanyang superior sa labas at mabait sa kalooban. Seryoso lang

talaga siya sa kanyang pananalita at mga gawi. Nang nanananghalian sila sa cafeteria, nakita niya ito

na nakaupo kasama ang ilan sa kanilang mga babaeng katrabaho na nakangisi nang may pagkamuhi.

"Napakawalang kwenta naman ni Madeline. Hindi siya makagawa ng kahit na anong tama. Kung hindi

lang sinabi ni boss na i-hire ko siya, kahit tignan siya ay di ko gagawin."

Bumilis ang tibok ng puso ni Madeline.

Sino ang boss na sinasabi ni Eve? Naalala niya na nakita niya si Meredith sa tapat ng office building.

Pagmamay-ari din ba ng Montgomery ang kumpanyang ito?

"Nasa department natin ang isang dating nakulong, dating naging call girl, at nangnakaw ng gawa ng

iba. Nandidiri ako! Gusto ng babaeng iyon na maging parte ng design ng ating department. Hindi ba noveldrama

sila nag-aalala na baka sirain niya ang ating trabaho?" Namumuhing sabi ni Eve. Ang inis sa kanyang

boses ay talagang naiiba sa kanyang pagiging magalang kanina.

Subalit, mas naging sigurado si Madeline na may koneksyon nga kay Meredith ang kumpanyang ito

mula sa kanyang mga sinabi.

Si Meredith lang ang taong magsasalita nang masama sa kanya at dudungis sa kanyang pangalan.

Kahit na walang puso si Jeremy, hindi siya gagawa ng walang kwentang bagay kagaya nito.

Alam niya kung ano ang pakiramdam ng isang milyong palaso sa kanyang puso, kaya kalmado si

Madeline sa harap nang ganitong uri ng paninirang puri.

Lumapit si Madeline at nakita siya ng dalawang babaeng kumakain na kasama ni Eve. Napahinto sila

at tumingin kay Eve.

Ngunit nagpatuloy lang sa pagmumura si Eve, "Narinig ko na para makagapang siya sa kama ni Mr.

Whitman, drinoga pa siya ng walang-hiyang babaeng iyon. Napaka cheap! Kung ako 'yon ay di ko

magagawa ang bahay na iyon. Tanging isang prostitute na kagaya niya ang makakagawa ng ganon!"

Nagpatuloy siya sa pagsasalita. Bigla na lang, napansin niya na kakaiba ang ekspresyon ng kanyang

mga kasama. Nagtataka siyang lumingon sa kanyang likuran at nakita niya si Madeline na nakatayo sa

kanyang likuran.

Nanigas si Eve, sabay hindi natutuwang nagsabi, "Tapos mo na ba ang mga pinapagawa ko sayo? Ba't

ka nakatayo sa likod ko na para bang bangkay?"

Kalmadong ngumiti si Madeline. "Wala lang. Gusto ko lang makita kung paanong ang isang

nakakahiyang babae na kagaya mo ay nagagawang umarte sa harap ng isang tao at umarte na naman

nang iba sa likod nila. Sinasabihan mo rin ba ng masama ang dalawang 'to sa harap ng iba pa nating

katrabaho?"

Pagkatapos niyang masabi iyon, nagdilim ang mukha ng dalawang babaeng kasama ni Eve. Nanlumo

rin ang mukha ni Eve.

Tumayo siya at nainis. "Madeline, anong sinasabi mo? Gusto mo pa bang magtrabaho dito?"

Oras na ito nang pananghalian at maraming mga empleyado sa cafeteria. Ang lahat ay nakatingin sa

kanila.

Kalmadong tinanggal ni Madeline ang work pass sa kanyang dibdib at initsa ito sa mukha ni Eve. "No,

ayaw ko nang magtrabaho dito."

"Ikaw…" Namutla ang mukha ni Eve. Tinuro niya si Madeline pero wala siyang masabi.

Tumalikod si Madeline at may nakita siyang dalawang tao na nakatayo sa entrance ng cafeteria. Iyon

ay sina Meredith at Eloise.

May galit lamang si Madeline kay Meredith. Ngunit nang makita niya si Eloise, hindi lang sa wala

siyang pakialam kung masama na ang tingin sa kanya ni Eloise, pero nakaramdam din siya ng malapit

at mahalagang koneksyon sa kanya. Subalit, nakatingin nang masama si Eloise sa kanya.

Pakiramdam ni Madeline ay nalungkot ang kanyang puso nang walang dahilan. Para makaiwas na sa

mas marami pang kaguluhan, nagpasya siya na maglakad papalayo. Ngunit nang makarating siya sa

pinto ay pinigilan siya ni Meredith.

"Maddie, 'wag ka namang ganyan. Alam ko na kailangan mo ng trabaho ngayon. Ang tagal kong

nagmakaawa kay Mom na hayaan kang magtrabaho rito. 'Wag ka nang magwala na parang bata.

Bumalik ka na sa trabaho mo, please."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.