Chapter 9
Chapter 9
“HINDI na kita masusundo pa. Pero may ibang magsusundo sa `yo bukas nang umaga. May kailangan
lang akong asikasuhin ngayon kaya napaaga ako ng dating dito sa rest house. Pero `wag kang mag-
alala, ako ang unang sasalubong sa `yo sa pagdating mo rito, kasama ang mga magulang ko.”
How is it possible that despite my own pain, my own burdens, I can still feel yours? naisaloob ni Maggy
bago pagod na pagod na isinandal ang ulo sa headboard ng kanyang kama. Hinayaan niyang pumatak
ang kanyang mga luha na kanina pa nagbabantang bumagsak simula nang magtalo sila ni Clarice sa
kwarto niya.
“May problema ba?” namamaos ang boses na nagawa pa ring itanong ni Maggy. Austin’s voice was
unexpectedly sad that night. No, sad was in fact, an understatement. Austin sounded lifeless.
“Mahal na mahal kita, Maggy,” sa halip ay sagot ni Austin.
Naipikit niya ang nananakit na mga mata nang marinig ang pagsuyo sa boses ni Austin sa kabilang
linya.
“You can break me and everything that I have, sweetheart. But please, not my heart. Spare it.”
Mariing nakagat ni Maggy ang ibabang labi. She can never break Austin’s heart without breaking hers.
Dumilat siya at napatitig sa litrato ng mga magulang sa bedside table.
Sa nakalipas na mga taon, araw at gabi, ay walang sandaling hindi siya nangulila sa hustisya.
Nangulila siyang makalaya mula sa pagkakabilanggo sa sakit sa puso niya. At magiging posible lang
ang paglayang iyon sa oras na maipakulong na nila si Benedict, makuha ang mga ari-arian nito gaya
ng ginawa ng lalaki sa kanila o hindi kaya ay makuha ang mismong buhay nito gaya ng ginawa sa mga
magulang niya.
Nang planuhin ni Maggy ang paghihiganti ay pumasok ang bagay na iyon sa kanyang isipan, ang kitlin
din ang buhay ni Benedict. Tutal, kahit gawin niya iyon ay kulang pa rin iyon dahil dalawang buhay ang
walang awang kinuha nito sa kanila ng kakambal niya.
Back then, she wouldn’t hesitate to kill him in whatever way she can, she was willing to go that far. At
sa nadiskubreng kasalukuyang kondisyon ni Benedict ay alam ni Maggy na magiging posible ang plano
niya… Kung hindi lang biglang nakialam ang kanyang puso. Pero naniniwala pa rin siyang hindi
nararapat kay Benedict ang sakit na dinaranas nito. Napakasimpleng kaparusahan lang niyon kumpara
sa laki ng mga kasalanan nito.
Hindi, ilang sandali pa ay nagrerebeldeng naisaloob ni Maggy. Hindi ko sinimulan ang lahat ng ito para
lang tumigil dahil lang sa letseng pagmamahal na ito.
“Nang mahalin kita, may na-realize ako,” pagpapatuloy ni Austin sa malambing pa ring boses. “Love is
just like running a business. It’s risky. Nakakatakot, nakaka-excite at nakakatuwa at the same time. And
then there will be times that you’d feel... powerless over the situations you never saw coming.
Ganoong-ganoon mismo ang nararamdaman ko ngayon.”
Mapait na ngumiti si Maggy. Iyon din mismo ang kanyang problema. “You’ve been talking in riddle
since you called, Austin.”
“Am I?” anang binata bago ito nawala na sa kabilang linya. Busy tone na ang sumunod na narinig niya.
Kung hindi lang siya masyadong nanghihina dala ng mga natuklasan ay siguradong tatawagan niya
ang boyfriend at uusisain. She would have never given up until she discovered what his problem was.
Pero hindi niya iyon magawa.
Damang-dama niya ang panghihina ng puso at isip niya nang mga sandaling iyon. At kung hindi niya
pa ipapahinga kahit sandali ang isip ay baka bumigay na siya.
Ibinaba na ni Maggy ang cell phone. Mayamaya ay inabot ang litrato ng mga magulang at idinikit sa
kanyang dibdib bago marahang pumikit. Muli niyang hinayaan na bumagsak ang mga luha mula sa
kanyang mga mata.
Mommy… Daddy... pagod na pagod na po ako. Out of all the things I’ve been through for the past
sixteen years, today’s events are the most exhausting.
NAITAKIP ni Maggy ang kamay sa bibig nang ang unang bumungad sa kanya sa hardin ng rest house
ng mga McClennan ay mismong... Si Benedict. Katulad ng sinabi ni Austin noong nagdaang gabi ay
sinundo nga siya ng isa sa mga tauhan nito at inihatid sa malaking bahay na iyon na gwardiyado.
Nang maigarahe ang sasakyan ay sinalubong si Maggy ng isang katulong at inihatid hanggang sa
hardin. Hindi niya inaasahang si Benedict kaagad ang makikita roon. Mag-isa lang ito sakay ng
wheelchair.
Umalis ang nurse ng matanda nang makita siya pati na ang katulong na nag-assist sa kanya papunta
sa hardin.
What is happening here? Dahan-dahan siyang lumapit sa nakatulala lang na matanda. Wala na
anumang bakas ng pagiging malupit sa anyo nito. He now looked so fragile. Sino ang mag-aakala na
ilang beses sa buhay nito ay nakapatay ito?
Parang binabayo ang dibdib na lumapit si Maggy sa wheelchair ni Benedict at hinawakan ang
magkabilang gilid niyon. Her instinct was to push the wheelchair away. Or just shoot him with the gun
on her bag. Puno ng galit at sakit na dinukot niya ang kanyang baril at itinutok sa lalaki.
Napasigok siya. “Every time I miss my parents, I kill you in my mind, Benedict. And it sucks, you know.
Because I can only do that in my mind. Heck, I’ve been planning your murder since I was thirteen!”
Tuluyang humagulgol si Maggy nang maalala ang butihing mga magulang. Walang bagay na mas
sasakit pa para sa isang anak na malamang walang awang pinapatay ng iba ang mga magulang nito.
Naninikip ang dibdib na napaluhod siya. Pero kung gagawin niya ngayon ang ginawa ni Benedict noon,
para niya na ring ipinaranas kay Austin ang mga naranasan niya. Nanginig ang mga kamay niya sa
naisip. Muli siyang napahagulgol bago niya dahan-dahang ibinaba ang baril. Parang napapaso na
lumayo siya sa wheelchair.
Hanggang sa mga sandaling iyon na puno ng sakit ang puso niya, si Austin pa rin ang nasa isip niya.
At sa bagay na iyon siya lalong nasasaktan. Because then and now, Benedict still wins.
Ilang sandali na nakaluhod lang si Maggy roon bago niya marahas na pinunasan ang mga luha.
Sinikap niyang tumayo.
“Benedict…” daing ni Maggy. “How I wish I’m as cruel as you.” Muling namasa ang mga mata niya.
“Hindi ko akalain na may puso pa rin pala ako kahit paano sa kabila ng mga masasakit na ginawa mo
sa akin at sa pamilya ko. At nakakasakit lalo isiping hindi tayo magkatulad.” Pumiyok ang boses niya.
“Dahil gustong-gusto kong tumulad sa `yo sa mga oras na `to.”
Napahugot siya ng malalim na hininga at patakbong umalis ng hardin. Hindi niya magawang lumingon.
She was so afraid that she might change her mind and really hurt Benedict who could not even lift a
finger at that moment. Nang makita niya ang kasambahay na sumalubong sa kanya malapit sa gate ay
sandali siyang huminto.
“Bantayan ninyo nang maigi si Benedict. Hindi siya dapat iniiwang mag-isa. Baka kung mapaano pa
siya,” ani Maggy bago tuluyang umalis ng rest house.
Habang naglalakad palayo ay naging maliwanag sa kanya ang lahat. Everything was nothing but a
trap. Dapat ay nahulaan niya na iyon noon pang nagdaang gabi. Austin was up to something. Kahit pa
nagtataka ang gwardiya dahil napaaga ang pag-alis niya ay tumawag pa rin ito ng taxi para sa kanya.
Nang makasakay na ay mapait siyang napangiti.
Austin... Have you been able to prove something? Anuman ang gawin mo, walang mananalo sa ating
dalawa. Dahil sigurado akong mahal mo ako. At doon pa lang sa bagay na iyon, talo ka na... Kung
paanong talo rin ako.
“SEE? NOTHING happened,” mapaklang sinabi ni Austin sa ina habang pinagmamasdan nila ang
paglayo ni Maggy. Buong duration na nasa hardin ang dalaga at ang kanyang ama ay naroroon lang
sila at nagmamasid sa bintana sa library na siyang nakaharap sa hardin. “The ghosts you created were
the ones who are scaring you. Dahil hindi kailanman magiging katulad ni Papa ang babaeng mahal ko.
Makakahinga ka na nang maluwag. Your precious ex-husband is still alive,” aniya bago iniwan ang
nabiglang ina.
Sinugod ni Austin ang ina sa kwarto nito nang malaman niya mula sa mismong bibig ni Alano ang
katotohanan. Hanggang sa huling sandali ay pinipilit pa rin ni Alexandra na isalba ang imahe ni
Benedict. Pero huli na. Dahil ngayon, ano man ang gawin niya ay hindi na maibabalik pa sa dati ang
pagtingin sa ama, pati na sa ina sa ginawa nitong paglilihim sa kanilang magkakapatid ng totoo.
Sa ngayon ay si Ansel na lang ang nananatiling walang alam sa lahat ng iyon. Pinakiusapan siya ng
ina na huwag na muna iyong ipaalam sa huli. Hindi sa pinagbibigyan niya ang ina kaya nanahimik siya.
Sadyang hindi niya lang alam kung paano ipapaliwanag sa panganay na kapatid ang lahat. Austin was
sure that the truth will shatter his brother just as it shattered him.
Ni hindi niya maatim na tingnan ngayon ang mga magulang. Punong-puno ng hinanakit at galit ang
puso niya nang mga sandaling iyon. Kung nagkataong wala lang sakit ang ama ay gagawin niya ang
lahat ng makakaya para muling mabuksan ang kaso at siya pa mismo ang magsusuplong sa ama sa
ngalan ng hustisya para sa mga inagrabyado nito, para sa mga taong pinapatay nito, para sa mga
magulang nina Maggy at Clarice at para mismo... sa ikatatahimik ni Maggy.
Kahit pa nagkataong hindi ang mga Alvero at De Lara ang sentro ng kasamaan ng ama ay iyon pa rin
ang gagawin ni Austin. He will never tolerate anyone in his family to do that to people.
Pinasundo na lang niya si Maggy dahil nanliliit siya nang husto sa mga ginawa ng ama rito. He really
planned to make her see his father. Alam niyang iyon ang pangunahing rason ni Maggy sa pagbabalik
sa bansa. Gusto niyang ilabas nito ang lahat ng mga nararamdaman sa mismong harap ng kanyang
ama para mapagaan kahit paano ang bigat na kay tagal nang dinadala sa puso nito. Pinigilan ni Austin
ang kanyang ina nang tangkang lalapit sa dalawa sa hardin. Mahigpit niya ring ipinag-utos na
mapagsolo sina Benedict at Maggy.
And even when Maggy revealed her gun, Austin held on to the woman that he knew, to the
compassionate woman who had helped those little girls at the church, unmindful of the rain. Pinilit
niyang kalmahin ang sarili sa kabila ng halos himatayin nang ina sa kanyang tabi. Parang paulit-ulit na
namatay ang puso niya sa bawat nakitang pag-iyak ng dalaga pero pinanatili niya ang sarili sa library. noveldrama
He could not possibly spoil her moment of grief. After everything Maggy had gone through, he owed
that to her.
Paalis na si Austin sa rest house nang pigilan siya ni Alano sa braso. Alam niyang nasaksihan din nito
ang mga nangyari. Bumalik doon ang kapatid nang araw na iyon nang malaman nitong pupunta rin
doon si Maggy.
“Austin, tigilan mo na ito, utang-na-loob. You are breaking our mother’s heart—”
“Do you actually think that she isn’t breaking mine?” marahas na pagputol ni Austin sa mga sasabihin
pa sana ng kapatid. “Niloko niya tayo! Ipinagkait niya sa atin ang totoo! Utang niya iyon sa atin bilang
mga anak niya! Even if she says a thousand times that she only did that all for love, I would still never
understand! Makasarili din siya katulad ni Dad—Benedict. Hell! Ni hindi ko siya magawang tawaging
ama.” Tumaas-baba ang dibdib niya sa pagragasa ng kanyang mga emosyon. “Mom taught us how to
have faith, how to keep the hope in our hearts burning during our toughest times. But she took those
faith and hope away when she denied us the truth. Nagmamahal ka rin, Kuya Alano.
“Mahal mo si Clarice, mahal ko si Maggy. Mahal natin ang mga babaeng dumating lang pala sa mga
buhay natin para maghiganti. At hiyang-hiya na rin ako sa sarili ko dahil sa kabila ng pananakit na
ginawa ni Benedict, gusto ko pa ring ipagsiksikan ang sarili ko kay Maggy.” Naihilamos ni Austin ang
palad sa kanyang mukha. “Minsan ba naitanong mo sa sarili mo kung paano kaya kung sa atin
nangyari ang mga nangyari kay Clarice at sa magkapatid na De Lara?
“Knowing how much we adored our father, we could have done the worse things to seek for justice. But
those ladies... They couldn’t even lay a finger on our father. Sa kabila ng lahat, minahal ka pa ni
Clarice. At nararamdaman kong minahal din ako ni Maggy. Our family had brought them so much
agony and yet they still loved us even if we never deserve it. At ang hirap-hirap isiping ang babaeng
pinakaiingatan natin, nasasaktan dahil sa atin, dahil sa katarantaduhan ng ama natin, dahil sa
hustisyang inilihim ni Mama sa atin.”
Natigilan si Austin nang makarinig ng impit na pag-iyak mula sa kanyang likuran. Hindi niya iyon
sinubukang lingunin kahit pa alam niyang sa kanyang ina nagmula iyon. Pinatigas niya ang kanyang
puso.
“Austin, son, I’m so sorry—”
“Right.” Kahapon niya pa naririnig iyon sa ina. “Maibabalik ba ng paghingi mo ng tawad ngayon ang
mga nangyari sa nakalipas na labing-anim na taon? It doesn’t make sense now, Mom! Mabibigyan ba
niyon ng hustisya ang mga nangyari? Will that even bring back Maggy’s parents? Will that save all of
us from this misery?”
Hindi nakasagot si Alexandra.
“Pasensiya na kayo pero sa tingin ko, matatagalan bago ko muling masikmurang bumalik dito.”
Mabibigat ang hakbang na umalis na si Austin at lumapit sa kanyang nakaparadang kotse. Nasasaktan
siya. Hindi niya rin kagustuhang saktan ang loob ng ina pero hindi niya kahit kailan babawiin ang mga
sinabi rito. Kailangan niya nang gisingin ang para bang natutulog na konsensiya nito na kinalimutan
siguro nito dahil lang sa pagmamahal sa kanyang ama, sa kagustuhang maprotektahan ang huli.
Si Alexandra ang kauna-unahang tao na nagturo sa kanilang magkakapatid kung paano ang
magmahal kaya nasasaktan siyang isipin na kabaliktaran sa mga itinuro sa kanila ang mga ginawa
nito. Ayon sa ina, ang pagmamahal ay hindi makasarili at palaging nakauunawa. Pero ano ang ginawa
nito?
He felt betrayed.
And Maggy... Just thinking about what she was going through right now made him want to explode.