THE LAST WOLF PRINCESS

KABANATA 24



Dinala ni Hyulle si Polina sa loob ng mansiyon, sa loob ng mahiwagang silid niya. At ang buong silid ay binalot niya ng malakas na kapangyarihan. Tinibayan niya ang barier na kanyang ginawa upang hindi iyon masira ni Althea. Alam niyang buhay pa si Althea, at nagpapalakas lang sa kung saan. Sa lakas ng sampal na nagawa niya sa dalaga, alam niyang nasaktan iyon ng labis, at maaring nagpapalakas lang. Alam niyang malalaman nito ang gagawin niya at tatangkain nitong pigilan siya.

Hindi siya papayag na mawala si Polina, di bale nang siya ang magpasan ng lahat ng galit ng kanilang mundo, basta hindi niya hahayaan na mawala si Polina sa ganitong paraan, hindi niya hahayaang mamatay ang dalaga sa kanyang kamay, o sa kamay ng sinuman. Napalingon siya sa dalagang nakahiga sa kanyang kama. Walang malay si Polina dahil naubos ang lakas nito sa paggamit ng kakaunting kapangyarihan para pigilan si Shiera. Hindi niya alam sa kanyang sarili kung tama ang gagawin niya, maaari ngang mamatay siya tulad ng ama ni Polina, iyon ay marahil dahil sa ginawa nitong pananamantala sa ina ng dalaga, hindi kusang loob ang kanilang pag-iisang dibdib, kaya namatay ang kanyang ama, bilang parusa sa ginawa nitong kalapastanganan sa isang diyosa.

Pero sa kaso nila ni Polina, alam niyang pareho nilang mahal ang isa't isa. At alam niyang si Polina lamang ang babaeng mamahalin niya, maging tao man siya o werewolf. "Hindi kita minahal dahil sa ikaw ang mate ko, o dahil sa isa kang werewolf, o prinsesa, diyosa, o kung ano pa man, minahal kita, una pa lang kitang nakita, at hindi ko malilimutan iyon,"sambit ni Hyulle, habang nakatitig sa mukha ni Polina.

Desidido na siyang gawin ang isang bagay, may malay man o wala si Polina. Dahil alam niyang iyon lamang ang kailangan ni Polina, para manumbalik ang lakas nito, para makumpleto ang kapangyarihan nito bilang Werewolf. "Patawad mahal ko, pero ipinapangako sa iyo, ikaw lang ang mamahalin ko, hindi na mauulit na makikipagsiping ako sa ibang babaeng kauri ko, para lang lumakas, pangako ko iyan," sambit ni Hyulle, na gumawa pa ng isang ritwal para bigyan ng selyo ang kanyang binitiwang pangako sa pamamagitan ng sarili niyang mat*tal*m na k*ko. Humaba iyon at k*n*Imot at sarili niyang dibdib. Lumabas ang mga d*g* roon. At sa isang iglap ay naging pilat.

"Hyulle!" sigaw ni Polina, nang makita niya ang ginawa ni Hyulle sa sarili.noveldrama

"P-Polina...." nasambit rin ni Hyulle sa dalaga.

"Bakit mo ginawa iyan?" Umangat ang dalawang kamay ni Polina at nahawakan ang dibdib ni Hyulle na may mga bakas ng kanina lang ay sugat na nagdurugo, ngunit isa na lamang pilat.

"Dahil mahal kita Polina, at ang mga pilat na ito ang parating magpapaalala, na sumumpa ako na hindi na makikipag siping sa ibang babaeng kalahi ko, sayo lang...sa iyo lang ako," bigkas pa ng binata sa dalaga. At sa mga oras na iyon ay kap'wa na sila gising at may kamalayan.

"Handa ka na ba? Nagtitiwala ka na ba?" seryosong tanong ni Hyulle sa dalagang minamahal.

"Sabi ni Inay, sundin ko ang isinisigaw ng puso ko, kaya ngayon, sasabihin ko, ikaw lang Hyulle, ang isinisigaw ng puso ko, at hindi ko hahayaang mawala ka, susuungin ko ang kalangitan, at makikipag away sa mga sinasabi nilang diyosa ng asul na buwan.

Hihingin ko na huwag ka nilang kunin sa akin," bigkas ni Polina. Nakabig siya ni Hyulle, at mariing hinalikan siya sa kanyang mga labi.

Sa gabing iyon ay magaganap ang pinakamalakas na at ritwal ng pag-iisang dibdib ng parehong royal blood ng Itim at Putting Lobo. At ang gabing iyon ay hindi mapipigilan ng sinuman.

Narinig ang malalakas na alulong ng mga ordinaryong hayop sa buong lugar nila. Lahat ng mga aso, at naiibang uri ng mga hayop. Dahil ramdam nila ang malakas na kapangyarihang bumabalot ngayon sa other world.

Nabalot ng asul na liwanag ang buong silid ni Hyulle, sa isang iglap lang ay hubad na silang pareho, nakaluhud si Polina sa kama, ganon din si Hyulle, nagdaop ang kanilang mga palad, unang humalik si Hyulle sa kanyang noo, pababa sa kanyang mga labi, at ang mga kamay bito ay papadulas na humahaplos sa kanyang balat sa braso. Ang gabing iyon, ay tila nababalot ng hindi lamang asul na liwanag kundi ng mainit na apoy. Lumigid nga ang mainit na apoy at paligid ng buong silid, dulot iyon ng kanilang pagsasanib at matinding pag-iisa.

"Hyulle...ikaw lamang aking mamahalin, kahit ilang siglo pa ang dumaan sa 'ting buhay, hiling ko na tayo hanggang wakas," sabit ni Polina, nang magsimula nang pum*ib*b*w sa kanya si Hyulle.

Nakatukod pa ang dalawang kamay ni Hyulle sa kama, buhat nito ang sarili upang hindi lubusang mapadagan sa dalagang minamahal.

"Hindi na Polina, pagkatapos nito, habang buhay na tayong magsasama, walang kamatayan ang darating sa atin, ito ang dahilan kung bakit nais ka nilang patayin," sambit pa ni Hyulle.

At nang magsimula nga na ib**n na Hyulle, ang kanyang pagkal*l*k*, sa kalooban ni Polina, ay napasigaw ito, at ang lakas nito ay tila nanauli, isang malakas na kapangyarihan ang tila umanib sa kanyang katawn, habang ginagawa nila ang ritwal ng pag-iisang dibdib, napalabi siya dahil sunod-sunod na mga tinig mula sa isipan ni Hyulle ang kanyang naririnig.

"Hindi kita hahayaang mamatay! Mahal kita Polina! Mahal kita! Mahal kita!" napakalakas na tinig na nagmumula sa isipan ni Hyulle.

Dinig niya kahit na hindi naman bumubuka ang mga labi nito. Dahil abala ito sa kanyang ginagawa sa ibabaw ng dalaga, para walang pagod nito ginawa ng paulit-ulit ang pag-angkin sa babaeng ngayon ay asawa na niya. Iyon ang kanilang pag-iisang dibdib.

Ang kanilang kasal na buong tapang nilang nilaban. Buong tapang nilang ninais gawin kahit na alam nilang maraming nakasalalay. At ang gabing iyon ay patuloy pa nilang pinagsaluhan, habang naroon pa sila, ay maari nilang gawin ang bagay na iyon. Dahil maari lang nilang muling ulitin iyon, sa muling pag-aasul ng buwan. Panandalian silang nagpahinga, ay nakayakap si Polina, habang nakaunan sa braso ng kanyang mahal na si Hyulle. At alam niyang hindi pa tapos ang kanilang pag-iibigan, at ang pagsisiping ay kanilang lulubusin, hanggang sa sumapit ang pagliliwanag.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.